Biggest batch ng 'doctors to the barrio' ipinakalat ng DOH
MANILA, Philippines - Isinagawa na ng Department of Health (DOH) ang pagpapakalat ng pinakamalaking batch ng mga doctor kaugnay ng Doctors to the Barrios (DTTB) Program ngayong buwan.
Ayon sa DOH, ang batch 29 na kinabibilangan ng 73 scholars ay nagtapos ng medical school sa tulong Pinoy MD Medical Scholarship Program at ng First Gentleman Foundation, Inc. Pinadala ang mga ito sa 5th at 6th class municipalities sa bansa.
Kabilang sa mga rehiyon na pinadalhan ng mga doctor ang Northern Mindanao (12), Eastern Visayas (10), Western Visayas (7), ARMM (7), Ilocos (6), Cagayan Valley (5), MIMAROPA (5), CAR (4), Central Visayas (4), Zamboanga Peninsula (3), Central Luzon (2), CALABARZON (2), Bicol Region (2), CARAGA (2), Davao (1) at SOCSKSARGEN (1).
Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, magpapadala pa rin sila ng mas maraming doctor sa mga lugar na lubhang kailangan ang doctor sa layuning mabigyan ng maayos na pangangatawan at kalusugan mga nasa liblib na lalawigan sa tulong ng mga mahuhusay na doctor.
Napag-alaman kay Ona na ang DTTB ay nagbibigay ng magandang incentive package na kinabibilangan ng competitive salary at Magna Carta benefits at iba pang bonus.
- Latest
- Trending