Echiverri inabsuwelto ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng tanggapan Ombudsman ang kasong criminal na naisampa dito laban kay Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri dahil sa umano’y maanomalyang pag-aresto sa tatlong tauhan ng Jadewell Parking Systems Corp., isang private street parking operator.
Sa ipinalabas na desisyon, inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagbasura sa kaso laban kay Echiverri dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin sa alkalde sa kaso
“Undisputedly, the Jadewell employees were actually violating the City Ordinance No. 0366. On this premise, when the employees of the private complainant did not honor the order of suspension of the complainant’s on-street pay parking operation in the City, their acts constitute disobedience to a person in authority…,” nakasaad sa 15 pahinang desisyon ng Ombudsman.
Kinuwestyon din sa kasong ito kung bakit nag-execute ng kanilang affidavit ang mga complainant noong September 23, 2005, mahigit isang taon makaraang maganap ang sinasabing pag-aresto sa mga ito na dapat sana ay agad na naisagawa ng mga complainant matapos ang sinasabing paghuli sa mga ito.
- Latest
- Trending