Puwersahang X'mas party collection, bawal - DepEd
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Department of Education (DepEd) na bawal ang puwersahang paniningil ng mga guro ng kontribusyon sa mga magulang ng mga mag-aaral para sa magarbong Christmas party ngayong darating na Disyembre.
Ipinaliwanag ni Dr. Virginia Silvestre, hepe ng DepEd Alternative Learning System Division na sakop ng umiiral na DepEd Order 19-2008 o “no collection policy” ang anumang paniningil para sa Christmas party.
Iginiit nito na hindi dapat puwersahang singilin ng mga guro o maging ng Parent’s Teachers Association (PTA) ang isang magulang na walang mailalabas na pera para sa naturang kasayahan.
Sinabi nito na mas dapat sundin ng mga guro ang isinasaad ng DepEd Order kaysa sa anumang desisyon na inilabas ng PTA ng kanilang paaralan.
- Latest
- Trending