^

Bansa

News blackout sa LTO

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Umiiral ngayon ang news blockout sa Land Transportation Office (LTO) makaraang magpalabas ng abiso ang ahensiya na kung nais ng media na mag-interview dito ay dapat kay DOTC Secretary Mar Roxas na lamang  maki­pag- ugnayan.

Ito ang sinabi ni Ms. Menelia Mortel, chief executive assistant ng LTO, dahil hindi na makikipag-usap sa media si LTO Chief  Virginia Torres dahil sa order ni Sec. Roxas.

Kasabay nito, ipinaalis na ni Assec Torres sa Ge­neral Services Division ng LTO ang linya ng kuryente sa LTO Media Center dahilan para wala nang ma­kagawa ng balita ang mga mediamen na nagko-cover sa naturang ahensiya.

Kinuwestyon din ng naturang grupo kung bakit pinag-iinitan ni Torres ang mga media gayung mara­ming mga usapin ang dapat nitong pagtuunan ng pansin  tulad ng napapaulat sa telebisyon na kaanak daw nito ang sinasabing nagrehistro sa mga nawawalang sasakyan sa Subic Zambales.

Hinimok din ng mga mediamen si Torres na tularan nito ang pamunuan ng LTFRB.

ASSEC TORRES

HINIMOK

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MEDIA CENTER

MS. MENELIA MORTEL

SECRETARY MAR ROXAS

SERVICES DIVISION

SUBIC ZAMBALES

VIRGINIA TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with