Mga kongresista kinabahan sa laban ni Pacman

MANILA, Philippines - Aminado ang mga kongresista na kinabahan sila matapos ang ika-12 round ng salpukan nina Saranga­ni Rep. Manny Pacquiao at Mehikanong si Juan Manuel Marquez.

Ito ang ginawang pag-amin ng mga kongresistang nanood ng live telecast ng boksing sa gymnasium ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

Sinabi ni Speaker Belmonte, disappointed siya subalit masaya pa rin dahil natapos at nanalo si Pacquiao subalit masyado umanong dikit ang laban kayat hindi natupad ang hiling nila na ma-knockout si Marquez.

Hindi pa man nagsisimula ang laban ay umaasa si Belmonte na hanggang ika-apat na round lamang at mapapabagsak na ng kongresista ang kalabang Mehikano subalit binawi niya ito nang umabot hanggang 12 rounds at hindi man lamang napabagsak ni Pacquiao ang kalaban.

Kasama ni Belmonte na nanood sa gym ng Batasan sina Reps. Jonathan Yambao (Zamboanga Sibugay), Isidro Lico (Ating Koop Partylist), Isidro Ungab (Davao City) at Victor Yu (Zamboanga del Sur) kung saan nagpahayag lahat sila ng nerbiyos habang nanonood ng nasabing laban.

Show comments