Megalotto nasungkit sa 11-11-11

MANILA, Philippines - Nasungkit nang nag-iisang nanalo ang P30.869-milyong jackpot sa ginanap na bola ng PCSO, Biyernes ng gabi, Noyembre 11, 2011 para sa Megalotto 6/45 draw.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang lone bettor ay nakakuha ng winning combination na 03-40-18-27-10-21 para maibuslo ang jackpot  prize.

Anumang araw mula Lunes, ay inaasahang makikipag-ugnayan na sa PCSO ang nanalo para kunin ang premyo nito. Noong Oktubre, nasungkit ng 3 katao ang P94.987-milyong premyo para sa Superlotto 6/49 jackpot draw.

Nananatili pa rin naman ang November 2010 P741.176 milyon lotto draw na may winning combination 11-16-42-47-31-37 ang pinaka malaking napanalunan ng nag-iisang bettor.

Show comments