Singil sa kuryente tataas

MANILA, Philippines - Lolobo ng 44 sentimo kada kilowatt hour ang singil ng kuryente ngayon buwan, base na rin sa anunsiyo kahapon ng pamunuan Manila Electric Company (Meralco).

Sa kalatas na ipina­la­bas ng Meralco, ang pag­taas umano ng singil sa electric bill ay bunga ng malaking gastusin ng mga planta o gene­ration charge ng mga Independent Po­wer Producers (IPP) at Napocor gayundin ang paggalaw ng presyo sa Wholesale Elec­tricity Spot Market (WESM) na kanilang pinagkukunan ng supply noong buwan ng Oktubre.

Binanggit ng Meralco na ang generation charge ay nasa P5.79 kada kWh kumpara P5.34 kada kWh noong nakalipas na buwan.

Ayon sa Meralco, may kabuuang 47.9 percent ang kanilang kinukuha sa IPPs, 41.5 porsyento sa Napocor at 10.6 porsyento sa WESM.

Unang ikinatwiran ng Meralco na ang pagta­taas ay magiging dulot ng pagbili nila ng mas ma­­­taas na halaga ng kur­­­yente sa mga IPP sa inaasahang pagtigil sa operasyon ng isang linggo ng Malampaya Natural Gas Pipeline simula sa Nobyembre 20-26 dahil sa ilang maintenance works.

Show comments