^

Bansa

Mga bintana, pintuan gawing malinaw para iwas holdap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines -  Pinayuhan ng Quezon City Police District ang mga negosyante na panatilihing malinaw ang kanilang pintuan at mga bintana na nakikita ng mga taong nasa labas upang maging babala ito sa mga masasamang loob ng gustong mangholdap sa kanila.

Aksyon ito ni Supt. Marcelino Pedrozo, commander ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, matapos ang panghoholdap sa Manjunioan Travel and Tour Agency kamakalawa.

Ayon kay Pedrozo, na­ging malaya ang pang­hoholdap ng mga suspect sa naturang ahensya dahil ang bintana nito ay tinted at napapalibutan pa ng mga tarpaulin at poster ang pintuan nito.

Ang ganitong sistema ani Pedrozo, ang nagpapabigat sa sitwasyon dahil hindi nakikita ng mga tao sa labas ang ginagawa ng mga suspect sa loob ng ahensya. Kung makikita anya ng mga nasa labas ang pangyayari ay mada­ling makakatawag pansin at maaring makatawag din agad ng saklolo sa mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, alas-2:30 ng hapon nang holdapin ng apat na armadong lalaki ang nasabing ahensya na matatagpuan sa 223-J Goldstar St. corner Gen. Luis St., Novaliches Proper.

Natangay ang P30,000 halaga ng kanilang kinita gayundin ang mga cellphones ng tatlong emple­yado.

Bukod sa tinted ang bin­tana­, wala ring guwar­diya at closed circuit television (CCTV) cameras ang ahensya kaya madali ang ginawang pagpasok ng mga suspect.

vuukle comment

CITY POLICE DISTRICT

J GOLDSTAR ST.

LUIS ST.

MANJUNIOAN TRAVEL AND TOUR AGENCY

MARCELINO PEDROZO

NOVALICHES PROPER

PEDROZO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with