Anak ni Recom pasado sa NY Bar exam

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ni Caloo­can City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang anak nitong si Atty. Juan Crisostomo “Juris” Echiverri dahil sa pagkakapasa nito sa katatapos na New York Bar Examination na ginanap nga­yong taon.

Ayon kay Mayor Recom, walang pagsidlan­ ang nararamdaman nitong­ kasiyahan nang ma­­ka­rating sa kanyang kaalaman na pumasa ang anak nito na si Juris sa New York Bar Exam na isa sa mga pinapangarap ng mga abugado dito sa ating bansa.

Si Juris na nagtapos ng kanyang abugasya sa University of the Philip­pines (UP)-Diliman at kumuha naman ito ng kanyang masters in law sa University of Pennsylvania hanggang sa makapasa ito sa New York Bar Exam.

Bukod dito, nagtapos din si Juris ng Bachelor of Science, Major in Ma­nagement sa Ateneo de Manila University (ADMU) kung saan din nito tinapos ang kanyang primary at secondary education na may karangalan.

Show comments