^

Bansa

Populasyon sa Pinas lolobo pa

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Umapela ang dalawang mambabatas kay Pangulong Aquino na hikayatin na ang Kongreso na ipasa ang kontro­bersyal na Reproductive Health (RH) bill dahil sa pangambang patuloy na tumaas ang populasyon sa Pilipinas.

Sinabi nina Sulu Rep. Nur-Ana Sahidulla at AGham party list Rep. Angelo Palmones, ang populasyon ng buong mundo ay umaabot na sa P7 bilyon kung saan ang Pilipinas ay ang pang-12 sa pwesto.

Panawagan ng dalawa kay PNoy na tapusin na ang debate sa RH bill at agad na itong pagbotohan sa Senado at Kamara  at ang pag-iindorso umano ng panukala sa mga mi­yembro ng Liberal Party (LP) ay masisiguro ang pagpasa nito.

Naniniwala si Palmones na kapag naipasa ang RH bill ay maituturing itong “greatest legacy for maternal care,” ni Pangulong Aquino.

Sa panig naman ni Sahidulla, ang RH measure ay malaking tulong sa gobyerno upang makaiwas sa malaking epekto ng mabilis na paglobo ng populasyon sa Pilipinas na nasa 94.9 milyon na.

ANGELO PALMONES

KAMARA

KONGRESO

LIBERAL PARTY

NANINIWALA

NUR-ANA SAHIDULLA

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

REPRODUCTIVE HEALTH

SULU REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with