^

Bansa

PNoy, mga utol bumisita na sa puntod nina Ninoy, Cory

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inunahan na ng magkakapatid na Aquino sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III ang Undas makaraang dumalaw na kahapon sa puntod ng kanilang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at Senador Benigno “Ninoy” Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Pasado alas-2 ng hapon nang unang dumating ang Pangulo sa Museleo Aquino habang sunud-sunod namang dumating ang kanyang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, Biel at bunso na si Kris.

Nagsagawa ng misa ang pamilya Aquino na sinundan ng pagrorosaryo.

Una nang sinabi ni Pangulong Aquino na nais nilang maging pribado ang aktibidad ng kanilang pamilya sa paggunita sa alaala ng kanilang mga magulang. 

Sinabi ni Kris na sadya nilang inaga­han ang pagbisita dahil sa inaasahan nilang dudumugin ang puntod ng mga magulang sa mismong Nobyembre 1 at 2.

Pinasalamatan naman ni Kris ang mga Pilipino na patuloy pa ring nakakaalala sa kanilang mga magulang tanda ng napakaraming bulaklak sa puntod nina Ninoy at Cory at ang mga sumusuporta pa rin sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang kuya na si Noynoy.

Sinabi nito na pinahahalagahan pa rin ng mga Pilipino ang mga kontribusyon ng kanyang mga magulang sa kasaysayan ng Pilipinas at importante pa rin ang mga nagawa nito sa sambayanan.

vuukle comment

AQUINO

MANILA MEMORIAL PARK

MUSELEO AQUINO

NINOY

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PANGULONG CORAZON AQUINO

PILIPINO

SENADOR BENIGNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with