10 natatanging kawani ng KWF, pararangalan

MANILA, Philippines - Sampung natatanging empleyado ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang hihirangin sa ika-75 na anibersaryo ng komisyon, ayon kay Chairman Jose Laderas Santos.

Sinabi ni Chairman Santos, ihahayag ang 10 natatanging empleyado ng KWF sa gaganaping reunion ng mga kawani ng komisyon noon at ngayon sa Nov. 11 na gaganapin sa Citystate Tower hotel sa Ermita, Maynila.

Ilulunsad din ng KWF ang sentenyal na edisyon ng Filipino dictionary sa gaganaping reunion ng mga kawani sa Nov. 11.

Samantala, ang National Historical Commission katuwang ang KWF ay maglalagak naman ng panandang pangkasaysayan (historical marker) ng KWF sa mismong araw ng ika-75 na anibersaryo nito sa Nov. 13 sa harap ng kasalukuyang himpilan nito sa Watson Bldg., J. P. Laurel St., Malacañang, Maynila.

Show comments