P294 M para sa kukuning 11-libo nurses, kumadrona

MANILA, Philippines - Iniutos ni Pangulong Aquino ang pagpapalabas ng P294 milyong pondo para sa pagkuha ng karagdagang 10,000 nurses at 1,000 kumadrona na ikakalat sa bansa sa taong ito.

Ayon kay Budget Sec. Florencio Abad, ang nasabing pondo ay gagamitin ng DOH para sa kanilang Registered Nurses for Health Enhancement and Local Service (RNheals) project.

Bahagi anya ito ng commitment ng gobyerno upang makamit ang United Nations Millennium Development Goals na maiangat ang maternal health at mabawasan ang child mortality rates sa bansa.

Ayon sa DOH, ang unang batch ng RNheals nurses ay ikakalat sa 1,021 conditional cash transfer areas na natukoy ng DSWD.

Show comments