Bro. Eddie: Solusyon sa krisis: 'Panalangin'
MANILA, Philippines - “Sa isang iglap kayang bigyan ng Diyos ng lunas at kalutasan ang mabibigat na problemang dumadagan sa ating mga kababayan. Sa isang iglap kayang ibangon ng Diyos ng Pilipinas!”
Ito ang pahayag ni Jesus is Lord Church leader Bro. Eddie Villanueva kaugnay ng pagdiriwang kahapon ng ika-33 anibersaryo ng Iglesia.
Aniya tanging sama-samang panalangin lamang ng mga Pilipino ang makalulutas sa mga krisis na kinakaharap ng bansa at daigdig.
Sa inilunsad na isang malaking pagtitipon sa Luneta, nagpahayag si Villanueva ng buong suporta ng JIL sa mithiin ni Presidente Noynoy Aquino para sa “matuwid na landas”na naglalayong maghatid sa bansa sa tunay na kaunlaran.
“I sees no other solution to the crises besetting the world and the country today but fervent prayer” anang tagapagtatag ng JIL Chruch Worldwide. Malugod namang pinasalamatan at tinanggap ng Pangulo ang suporta ng JIL.
Kaugnay nito, nanawagan si Villanueva sa lahat ng mga “God-fearing at nation-loving na mamamayang Pilipino kasama na ang mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ng Pangulo na gawing policy ang patuloy na pananalangin.
Ang paksang-diwa ng selebrasyon ay ang Jeremiah 33:3 na nagsasabing ‘Call unto Me, and I will answer you, and show you great and mighty things, which you do not know.
“This year’s anniversary will be far greater than the previous years because new things are coming and greater glory is to be manifested by the Lord,” ani Villanueva.
Inilunsad ang God Bless the Philipines Global Prayer Movement na layuning suportahan ang PNoy gov’t.
- Latest
- Trending