MANILA, Philippines - Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Calabarzon na ang paboritong salitang “Ala Eh” at hindi salitang Batangas ang proposal ng lalawigan ng Batangas na ilagay sa Taal volcano.
Gayunman, sinabi ni DENR Calabarzon Regional Executive Director Nilo Tamoria na pinag-aaralan pa ng Protected Area Management Board (PAMB) ng Taal Volcano Protected Landscape ang usapin hinggil sa paglalagay ng signage sa naturang bulkan.
Ang pahayag ay ginawa ni Tamoria hinggil sa umiinit na debate tungkol sa planong paglalagay ng signage sa Taal volcano.
“The proposal is to use fish cages, and not concrete materials, to form the words “Ala Eh!” on the lake waters near the island, and which will be visible from the Tagaytay ridge,” pahayag ni Tamoria.
Anya, hindi pa napapag-usapan ng PAMB en banc ang isyu.