PNoy nagbigay ng P5-M sa MILF

MANILA, Philippines - Inamin ni Pangulong Aquino na nagbigay ito ng P5 milyon na social fund ng makipagkita ito kay MILF chairman Al Haj Murad Ebrahim sa Tokyo, Japan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, totoong nagbigay ng P5-M si Pangulong Aquino sa MILF ng makipagkita ito kay Murad sa Tokyo para sa pagtatayo ng Bangsamoro Management and Leadership Institute.

“The government through chief negotiator Marvic Leonen is asking for accountability. We will be expecting some report on the outcome of the P5 million and where it went. We hope the MILF will clarify this part,” wika ni Sec. Lacierda.

Si Leonen ang mismong nagbigay ng tsekeng P5-M kay Murad sa formal exploratory talks sa Kuala Lumpur noong Agosto 22-23.

Itinanggi naman ng MILF na ang nasabing halaga na galing kay Pangulong Aquino ay pinambili nila ng bala at armas na ginamit ng mga MILF fighters sa pananambang sa 19 sundalong napaslang sa Basilan noong nakaraang linggo.

Show comments