Pinay missing sa Turkey quake

MANILA, Philippines - Isang Filipina ang hinahanap ng Department of Foregin Affairs (DFA) matapos mawala ito ng dumalaw sa lugar na niyanig ng magnitude 7.2 lindol sa Turkey noong Linggo.

Sa overseas call ng PSN kay Ambassador Marilyn Alarilla sa Turkey, inaalam pa nila kung nadamay ba ang nasabing Pinay na nakapag-asawa ng Turkish sa mga nasawi o nasaktan sa lindol.

Wika pa ni Alarilla, nasa 1,000 ang dokumentadong OFW’s na nakabase sa Turkey.

Sa ulat, umabot sa 200 ang nasawi habang marami ang nasaktan ng yanigin ng magnitude7.2 lindol ang siyudad ng Van at Ercis town sa Turkey noong Linggo.

Show comments