^

Bansa

Malls oobligahing maglagay ng X-ray scanners sa entrance

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Matapos ang magkakasunod na shooting incident sa ilang kilalang malls sa bansa, muling iginiit ng isang mambabatas ang pagpapalagay ng x-ray security e-scanners sa mga entrance ng malls.

Ipinanukala rin ni Lanao del Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman na gawing mandatory ang paglalagay ng x-ray scanners upang maiwasan na maipasok sa malls ang mga baril o anumang armas. 

Ayon kay Hussein, tumataas taun-taon ang nagaganap na krimen sa loob ng ilang malls. Nitong 2011, tatlong insidente ng pamamaril na ikinasawi ng apat katao ang naganap.

Pinakahuli ang pamamaril sa loob ng isang mall sa San Fernando, Pampanga kung saan isang 13-anyos at isang 16-anyos ang nasawi. 

Noong Hulyo 29, 2011 isang security guard ang namatay sa loob ng restroom ng isang shopping mall sa Iloilo City.

Nitong Setyembre 14, 2011, binaril naman ng isang babae ang asawa sa loob ng mall sa Quezon City matapos iwan dahil sa ibang babae. Maging ang security guard na nagtangkang pigilan ang suspek ay nabaril at napatay din.

Samantala noon namang Oktubre 2009, nilooban ng anim na armadong lalaki ang isang tindahan ng relos.

“These are primary yet vital things that should be considered when we talk about security and protection of the customers and the employees themselves,” ayon sa kongresista.

Layon umano ng panukala na maprotektahan ang interes ng publiko mula sa hindi rasonableng pagkapkap.

Sa ilalim ng panukalang “Business Establishments Electronic Scanners Act of 2011,” ang lahat ng business establishments sa bansa ay kailangang maglagay ng x-ray security electronic scanner sa entrance door.

Habang ang mga mini-groceries, mini-marts ay kailangang magkaroon ng handheld metal detectors.

Sinumang lalabag dito ay maaaring makulong ng isang taon.

AYON

BUSINESS ESTABLISHMENTS ELECTRONIC SCANNERS ACT

ILOILO CITY

ISANG

MOHAMMED HUSSEIN PANGANDAMAN

NITONG SETYEMBRE

NOONG HULYO

QUEZON CITY

SAN FERNANDO

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with