MIAA kumita ng P7.5B kaya may pampagawa ng sirang NAIA
MANILA, Philippines - Kumita ng may P7.5 billion nag Manila International Airport Authority (MIAA) noong 2009 kaya may pera itong pambayad o pambili para sa mga nasisirang kagamitan sa paliparan.
Ito ang sinabi ni Rep. Sonny Angara kahapon matapos bumandera sa website na nangunguna ang NAIA Terminal 1 bilang worst airport sa buong mundo, samantalang noon ay pang-lima ito at pinaka-worst sa Asia.
“Lack of funds can never be an excuse on why the Ninoy Aquino International Airport continues to be beset by poor facilities because year in and year out it is turning in a tidy profit,” sabi ni Angara.
Ayon kay Angara, ang MIAA na siyang nangangasiwa ng tatlong NAIA terminals at old domestic terminal ay nakapagtala ng tax net profit na P1.17 billion sa gross income na P7.5 billion noong 2009.
Kung maganda ang kinikita ng NAIA may pera ito para magpagawa ng mga kubeta, upuan at mga aircondition o dagdagan ang mga aircondition at iba pang sira-sirang kagamitan.
“It is not the government who should receive dividends alone; the traveling public must feel their taxes and fees working for them too,” dagdag ni Angara.
Sabi ni Angara, ang pamunuan ng MIAA ay dapat gumawa o umisip ng mga paraan para hindi mapahiya ang bansa sa mata ng mga taga-ibang lugar dahil ito aniya ang isa sa mga ‘window of the world’ ng Pilipinas pagdating sa mga turista.
- Latest
- Trending