^

Bansa

Arroyo gov't nagpabaya kaya nakabangon ang MILF - Jinggoy

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Mistulang sinisi ni Senate President Pro Tempore Jose “Jinggoy” Estrada ang nakaraang administrasyon dahil itinigil ang all-out war laban sa Moro Islamic Liberation Front  na napabagsak na noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Ayon sa senador, hindi ipinagpatuloy ng administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpulbos sa MILF na sinimulan ng kaniyang ama noong siya pa ang nasa puwesto.

Sinabi ni Estrada na hindi na sana ngayon pinopro­blema ng gobyerno ang MILF kung nagtuloy-tuloy lamang ang pagsugpo sa kanila.

Iginiit pa ng senador na sobra na ang karahasang inihahasik ng MILF at dapat na muling maglunsad ng all-out war laban sa mga ito.

Tinawag pa ni Estrada na mga traydor ang MILF kung saan habang nirerespeto ng gobyerno ang ceasefire agreement ay nagpapalakas naman ang mga ito ng puwersa.

Hindi aniya masisisi ang Philippine Army kung nagpahayag man sila ng pagka-demoralisa makaraang malagasan ng 19 na sundalo.

Matatandaaan na ilang taon na ang nakakaraan ay sinisi rin ni dating Pangulong Estrada ang gobyerno dahil sa ginawang pagbabalik sa MILF ng 23 kuta nito na nasakop sa ginawang all-out war noong 2000 kabilang na ang Camp Abubakar.

AYON

CAMP ABUBAKAR

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

IGINIIT

JINGGOY

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE ARMY

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with