All-out war ayaw ni PNoy

MANILA, Philippines - Hindi pabor si Pangulong Aquino na mag­lunsad ng all-out war laban sa MILF.

Sa ambush interview sa Leyte Gulf Landing Anniversary­ sa Palo, Leyte ikinagalit ng Pangulo ang ginawang pagpaslang sa mga sundalo pero isinantabi pa rin nito ang paglulunsad ng all-out war sa MILF bagkus ay itutuloy pa rin ng gobyerno ang peace talks sa mga rebelde.

“Nakikiramay tayo sa lahat ng pamilya na nawalan ng kanilang mahal sa buhay dahil sa pangyayari sa Basilan,” wika ng Pangulo.

“Giyera walang nakikinabang. Kapag may one rotten­ egg, dapat bang yung buong basket of eggs dapat tukuyin na natin sila lahat masama? Maganda na imbestigahan muna natin kung ano ang nangyari? Sino ang may pagkukulang? Sino ang mga nang-abuso. Kapag nakuha na lahat ng detalye, yun ang magsasabi sa iyo ng course of direction,” pahayag pa ni PNoy.

Show comments