^

Bansa

P8-M nalimas sa 2 kawani ng DSWD

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P8 milyon ang natangay ng tatlong notoryus na holdaper matapos harangin ang service vehicle at holdapin ang dalawang kawani ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Maharlika Highway sa Tacloban City, Leyte kahapon ng umaga.

Sa phone interview, sinabi ni Tacloban City PNP director P/Supt. Wilson Caubat,  bandang alas-8:20 ng umaga nang maganap ang krimen sa Maharlika Highway sa Barangay Calibaan.

Lumilitaw na lulan ng Toyota pickup ang mga biktimang sina Vilma Aguilar, chief Management Division ng DSWD Region 8 at Costino Goco nang harangin ng mga armadong kalalakihan saka isinagawa ang krimen.

Gayon pa man sa follow-up investigation, hindi tumatugma ang pahayag nina Aguilar at Goco sa testimonya ng mga pedicab driver at ilan pang testigo na nagsabing walang naganap na holdapan sa oras na sinabi ng dalawa.

Lumilitaw naman na ang nasabing pera ay pang-deposito sa banko na iniuwi ni Aguilar sa kanilang bahay  at plano uma­nong ideposito kahapon ng umaga nang holdapin.

“Maraming inconsistencies sa kanilang statement, the area is highly populated pero walang witness na mag-corroborate ng testimony nila, they (Aguilar and Goco) are under investigation for possible inside job,” ayon pa sa opisyal.

vuukle comment

AGUILAR

AGUILAR AND GOCO

BARANGAY CALIBAAN

COSTINO GOCO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LUMILITAW

MAHARLIKA HIGHWAY

MANAGEMENT DIVISION

TACLOBAN CITY

VILMA AGUILAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with