Ranggo ni Pacquiao ipinagtanggol ng Palasyo

MANILA, Philippines - Ipinagtanggol ng Malacanang ang pagiging Lt. Col. ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa reservists ng Philippine Army (PA).

Iginiit ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang naging palakasan sa pagiging Lt. Col. ng pambansang kamao.

Wika pa ni Sec. Lacierda, naging Lt. Col. si Pacquiao dahil sa pagiging kongresista nito  kaya hindi ito maituturing na promosyon mula sa kanyang pagiging Master Sergeant.

Aniya, ang mga may ranggong Lt. Col. ay ang miyembro ng Senado at Kamara, Provincial Governor, City Mayor, Ambassadors, SC at CA Justices gayundin ang kalihim ng Department of Justice.

Sinabi ni DND Sec. Voltaire Gazmin, walang iregularidad sa bagong ranggo ng kongresista.

Show comments