Cardinal Rosales pinayagan nang magretiro ng Santo Papa

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Vatican ang pagreretiro ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales at itinalaga naman ni Pope Benedict XVI na kapalit niya sa pwesto si Imus Bishop Luis Antonio Tagle.

Alas-6 kagabi ay inanunsiyo na sa Vatican sa Roma sa pamamagitan ng isang communiqué mula sa Apostolic Nunciature sa Maynila, na si Tagle ang bagong Arsobispo ng Maynila.

Taong 2007 pa nang magsumite ng kaniyang resignation letter sa Vatican si Rosales, na dapat niyang pagreretiro subalit hindi pa siya pinayagan at umabot sa edad 79 na lagpas na sa mandatory retirement age para sa isang Obispo. Umabot siya ng walong taon sa nasabing pwesto.

Pinalawig pa ng Santo Papa ang kaniyang pa­nanatili upang bigyang-daan ang paghahanap ng makakapalit niya.

Show comments