^

Bansa

Programa sa mga katutubo dapat palakasin

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Dapat palakasin ang National Commission on Indigenous People (NCIP) upang mabilis na maipatupad nito ang mga programa para iangat ang sitwasyon ng mga katutubo sa bansa.

Ito ang nagkakaisang sentimyento ng mga Ma­no­bos, Mayanwa, Tiboli, Bilaan, Subanen, Teduray, Higaonon, Talandig, Mandaya, Bnwanon at Agtas hinggil sa mabagal na pagpapatupad ng mga desisyon ng NCIP hinggil sa mga kondisyon na kanilang hinihingi sa mga investors para mapaunlad ang kanilang teritoryo kasama dito ang mga benepisyo na kanilang tatanggapin at magiging pakinabang ng gobyerno sa porma ng buwis.

Naniniwala ang mga katutubo na dapat magkaisa ang NCIP members upang makagawa ng paraan para mapalakas at maging epektibo ang komisyon.

Pinuna din ng mga ka­tutubo ang pakikialam ng ilang NGO’s kung saan ay nagiging sagabal pa sila sa pag-usad ng proseso at balakid upang umasenso ang buhay ng mga IP’s.

AGTAS

BILAAN

BNWANON

DAPAT

HIGAONON

INDIGENOUS PEOPLE

MANDAYA

NATIONAL COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with