^

Bansa

4 bodyguards kakasuhan permit to carry ng AK 47 ni Llamas binawi ng PNP

Nina - Joy Cantos, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Binawi na ng Philippine National Police (PNP) ang Permit To Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) ng AK 47 assault rifle ni Presidential Adviser for Political Affairs Ronald Llamas na nakuha sa kanyang mga bodyguard sa Quezon City kamakailan.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na iniutos na ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na kanselahin ang PTCFOR ng AK 47 ni Llamas na nahuli sa mga bodyguard nitong sina Joey Tecson, ang driver ng Montero at John Alarcon.

“The AK 47 assault rifle PTCFOR has been revoked because it’s a subject of ongoing investigation, it’s a material evidence on the case,” ani Cruz kung saan ang nasabing baril ay isusurender na anumang oras ni Llamas kay QC Police District Director P/Chief Supt. George Regis.

Pinakakasuhan din si Reagan Lita at isa pang hindi natukoy na kasamahan ng mga ito.

Pinasasampahan na rin ni Bartolome ang apat na boydguard ng kasong paglabag sa PD 1866 o illegal possession of firearm at karagdagang kasong obstruction of justice matapos makitaan ng pagdadala ng 7.62 high powered rifle. Ang nasabing mga armas ay nahuli sa behikulo ng dalawa habang ang dalawa pa na lulan naman ng isa pang behikulo ang naglipat at nagtakas ng naturang mga armas.

Sabi ni Regis, malinaw anya sa mga footage na nakita nila na itinago ang mga armas nang mangyari ang aksidente, at ito ang ugat ng pagsasampa nila ng kaso.

Ang apat na bodyguards ni Llamas ay nasangkot sa banggan sa QC noong Setyembre 30 kung saan nahulihan ang mga ito ng isang AK 47 at cal. 45 pistol matapos na mag-joyride habang nasa ibang bansa si Llamas.

AGRIMERO CRUZ JR.

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

CHIEF SUPT

GEORGE REGIS

JOEY TECSON

JOHN ALARCON

PERMIT TO CARRY FIREARMS OUTSIDE OF RESIDENCE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with