^

Bansa

Palasyo payag mag-abroad si CGMA

-

MANILA, Philippines - Walang magi­ging pagtutol ang Palasyo kung talagang nararapat magpagamot sa ibang bansa si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, kung irerekomenda ng mga doctor na dapat magpa­gamot sa ibang bansa si Mrs. Arroyo ay walang ma­giging pagtutol dito ang Palasyo.

“It would defend more on what the doctors say. If credible medical treatment says its necessary to seek medical treatment abroad, we would allow it,” wika pa ni Carandang.

Magugunita na ma­ging si Sen. Panfilo Lacson ay walang pagtutol sa rekomendasyong magpagamot sa ibang bansa ang dating lider matapos na ito ay suma­ilalim sa 2 opera sa kanyang leeg.

Samantala, binigyan din ng Kamara si GMA ng travel authority para makapagpagamot sa ibang bansa.

Sinabi ni House Spea­ker Feliciano Belmonte, pinir­mahan na  niya ang mga dokumento ni GMA upang makaalis ito ng bansa patungong Germany at New York para makapagpatingin sa mga espesyalista.

Wika pa ni Belmonte, ginawa niya ito matapos maka­usap si Mindoro Oc­­cidental Rep. Amelita Villarosa at malaman ang ka­laga­yan ni  Arroyo. (Rudy Andal/Gemma Garcia/Butch Quejada)

AMELITA VILLAROSA

BUTCH QUEJADA

FELICIANO BELMONTE

GEMMA GARCIA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HOUSE SPEA

MINDORO OC

MRS. ARROYO

NEW YORK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with