RIZAL ,Philippines – Pinaniniwalaang kawalan ng pera na pantustos sa kanyang pamilya ang nagtulak sa isang 50-anyos na ama para wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa bayan ng Cainta, Rizal.
Batay sa ulat na nakarating kay Rizal PNP director P/Senior Supt. Manuel Prieto, nakilala ang biktima na si Reynaldo Bana ng K77 Kagandahan Street, Blk. 148, Lot 7, Karangalan Village, Barangay San Isidro.
Ayon sa asawang si Leonida, iniwan niya ang mister dakong alas-6 ng gabi kasama ang apat na anak habang nanonood ng telebisyon.
Laking gulat na lamang ni Leonida nang siya ay bumalik na nakabitin ang mister sa kisame gamit ang telephone cord.
Agad na pinutol ni Leonida ang cord saka humingi ng tulong sa mga barangay tanod para dalhin sa ospital subalit idineklarang patay.
Sinabi pa ng asawa ng biktima na ilang beses nang nagtangkang magpakamatay ang kaniyang mister lalo na kapag walang pera at lango sa alak ngunit ngayon lamang ito natuluyan.