SC decision sa PAL binawi
MANILA, Philippines - Binawi ng Korte Suprema ang naunang desisyon nito na sinasabing illegal ang ginawang retrenchment ng PAL management noong 1998.
Sa 2-pahinang kautusan ng SC en banc nitong Oktubre 4, pinawalang-bisa nito ang naging ruling ng SC 2nd Division na inisyu noong Setyembre 7, 2011, na nagbabasura naman sa inihaing second motion for reconsideration na inihain ni Lucio Tan.
Sa halip, sinabi sa resolusyon ng SC en banc, na mismong ang en banc o
15-man tribunal na ang hahawak at magreresolba sa kaso.
“The Court en banc further resolves to recall the resolution dated
September 7, 2011 issued by the Second Division in this case,” saad ng
en banc resolution.
Nabatid na pinakialaman ng en banc ang kaso nang maghain ng liham si
Atty. Estelio P. Mendoza, sa Mataas na Hukuman na kumukwestiyon sa bumubuo ng SC 2nd Division.
Nagkaroon umano ng kalituhan nang madiskubre ng kampo ni Tan na hindi dapat ang 2nd Division ang humawak sa kaso at sa halip ay dapat ang 3rd Division.
Ang nasabing procedural lapse sa SC 2nd Division ay dahil sa leave of absences ng ibang mahistrado at re-shuffle naman ng mga mahistrado matapos ang magkakasunod na pagreretiro ng ilan.
Ang orihinal na ponente ng kaso ay si dating SC Associate Justice
Consuelo Ynares-Santiago, na ngayon ay Ombudsman. Nagpasya ang SC na muling i-raffle ang kaso.
- Latest
- Trending