^

Bansa

GRP-NPA dialogue ituloy para matigil ang NPA attack

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pag-uusap at hindi opensiba ang nakikitang solusyon  ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) upang matigil na ang pagsalakay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na umatake at bumihag sa mga manggagawa ng mga mining company sa Surigao del Norte kamakailan.

Ayon kay Father Edu Gariguez, executive secretary ng CBCP -National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), dapat lamang na makipag-usap ang pamahalaan sa mga naturang rebeldeng NPA, sa halip na magsagawa sila ng opensiba.

Kasabay nito, nanawagan din si Gariguez kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na isulong ang pakikipag-dayalogo at pakikipag-usap sa mga komunista.

Sinabi pa ni Gariguez na dapat tingnan ito ng Pangulo bilang seryosong usapin dahil hindi lamang mga NPA ang tutol sa pagmimina kundi maging ang Simbahang Katolika at iba pang sektor na ina-adbokasiya ang pangangalaga sa inang kalikasan.

Umapela rin naman si Gariguez sa mga rebeldeng NPA na huwag gumawa ng dahas dahil kailanman ay hindi ito nagbubunga ng mabuti sa tao.

Maging sa tropa ng pamahalaan ay umapela rin ang CBCP official na lawakan ang kanilang pang-unawa at huwag lahatin at ituring na rebelde ang mga sektor na tutol sa pagmimina.

Tiwala naman si Gariguez na hindi maging hadlang sa isinusulong na peacetalks ang karahasang isinagawa ng mga rebeldeng NPA sa tatlong mining sites sa Surigao del Norte.

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

FATHER EDU GARIGUEZ

GARIGUEZ

NATIONAL SECRETARIAT

NEW PEOPLE

NORTE

PANGULONG BENIGNO SIMEON AQUINO

SIMBAHANG KATOLIKA

SOCIAL ACTION JUSTICE AND PEACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with