^

Bansa

Paligid magdidilim sa Martes

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Magdidilim sa darating na Martes, Oktubre 11 sa iba’t ibang gusali at establisimyento sa bansa gayundin sa mga residential areas dahil sa gagawing “Power Off” protest sa pangunguna ng Freedom from Debt Coalition (FDC).

Idineklara ng FDC ang October 11 bilang National Day of Protest laban sa walang tigil na pagtaas ng singil sa kuryente.

Sa Power Off Protest, 30 minutong magpapatay ng ilaw at hindi gagamit ng kuryente ang mga lalahok sa protesta sa iba’t ibang panig ng bansa mula alas-7:30 ng gabi hanggang alas-8 ng gabi.

Kasabay nito, giniit ng grupo ang agarang pag-rollback sa presyo ng kuryente at pagbasura na ng EPIRA law na hindi naman anila nakakatulong na maibaba ang singil sa kuryente taliwas sa orihinal na intensiyon nito.

Hiniling din ni FDC na huwag nang ituloy ang pagsasapribado ng natitira pang generation assets ng National Power Corporation.

vuukle comment

DEBT COALITION

HINILING

IDINEKLARA

KASABAY

MAGDIDILIM

NATIONAL DAY

NATIONAL POWER CORPORATION

OKTUBRE

POWER OFF

SA POWER OFF PROTEST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with