^

Bansa

Rep. Mikey pinagtawanan si DOJ Secretary de Lima

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Natawa si Ang Galing Pinoy party list Rep. Juan Miguel Macapagal-Arroyo sa pahayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila De Lima na “flight risk” siya at ang kanyang asawang si Ma. Angela Montenegro tungkol sa isyung watch list order (WLO) laban sa mga ito.

Sinabi ni Rep. Arroyo, wala umano itong balak na talikuran ang kasong kinakaharap nito at ng kanyang asawa kung kaya’t walang dahilan para matakot ang DOJ na tatakbuhan nila ang BIR case kaya dahil dito pinag-aaralan ng mga abogado nito ang lahat ng legal remedies hinggil sa kaso.

“The statement of De Lima that we are a flight risk is laughable. We faced the complaints when they were filed by actively participating in the preliminary investigation. I am a member of Congress and I have a duty to my country and constituents. I could not and would not abandon my oath to serve them. We have no intention to leave the country because we have not done anything wrong,” sa text message ni Rep Mikey.

Una nito, nagpalabas ang DOJ ng 60-day watch list order (WLO) laban sa mag-asawang Arroyo kaugnay ng pagkakasangkot umano ng mga ito sa hindi pagbabayad ng tamang buwis na nagkakahalaga ng P73.85M sa Bureau of Internal Revenue(BIR)maliban sa kanila inilagay din sa watch list si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng tatlong kasong plunder na kinakaharap nito sa DOJ.

ANG GALING PINOY

ANGELA MONTENEGRO

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CONGRESS AND I

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

JUAN MIGUEL MACAPAGAL-ARROYO

LEILA DE LIMA

PAMPANGA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with