Tampakan project nakasalalay sa DENR
MANILA, Philippines - May kapangyarihan ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Region 12 na tasahin o i-validate ang environmental impact assessment (EIA) sa panukalang Tampakan mining project.
“Technically competent at may awtoridad ang MGB na i-validate ang mga pag-aaral o ulat na iprinisinta ng project proponent at ng mga ekspertong pinagsalita ng Simbahan,” ani South Cotabato Board Member Agustin Demaala na miyembro ng provincial committee on environment.
Naniniwala si Demaala na ang pampublikong konsultasyon na isinagawa ng AECOM Philippines, na kinomisyon ng Tampakan project proponent, at British expert na si Clive Wicks na kinuha naman ng Catholic Diocese of Marbel, ay nakatulong para maging malinaw sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang plano para sa Tampakan mine.
Umaasa rin si Demaala na matutuloy ang Tampakan project kapag natugunan ng project proponent ang lahat ng regulasyon sa pagmimina.
- Latest
- Trending