PCG naghuhulog ng relief goods sa mga bahay-bahay
MANILA, Philippines - Bunsod nang hindi pa rin matapos na problema sa pagbaha sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at iba pang kanugnog na lugar, kaugnay ng magkasunod na bagyong Pedring at Quiel, nagsimula na ring mamahagi ng relief goods ang Philippine Coast Guard kahapon upang matugunan ang kakulangan sa basikong pangangailangan.
Ito’y sa kautusan na rin PCG Commandant Admiral Ramon Liwag na maglaglag ng relief goods sa pamamagitan ng aerial drop gamit ang helicopter, sa mga binahang lugar.
Kahapon ng umaga ay umabot na sa 384 kilos ng assorted groceries ang naipamahagi sa Calumpit at Hagonoy, Bulacan. Bahagi ito ng 250 sako ng relief goods na donasyon ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce.
- Latest
- Trending