^

Bansa

Mga doktor pumalag sa litrato nina Ate Guy at Anne Curtis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Binatikos ng Philippine Medical Association (PMA) ang paglalathala ng dalawang magazine sa cover page nito ng mga larawan ng sikat na artista na kapwa may hawak na sigarilyo.

Partikular na tinukoy ng PMA ang mga larawan nina Superstar Nora Aunor at teleserye/movie actress at TV host Anne Curtis.

Anila, hindi magandang ehemplo sa mga kabataan ang paglalabas ng mga larawan ng mga hinaha­ngaang artista na tila naghihikayat pa na mainam ang paninigarilyo.

Sa “Yes” magazine makikita ang larawan ni Aunor at si Curtis naman ay sa Rogue magazine na issue ngayong buwan.

Iginiit ng PMA na isinusulong nila ang ‘smoke-free Philippines’ campaign kaya hindi magandang ang sikat na imahe ng dalawang aktres ang matutunghayan sa cover page at lantad sa mga kabataan.

Dapat umanong ma­ging sensitibo at responsable ang mga publisher, producer at mismong mga artista sa kanilang ginagawang impluwensiya sa lipunan.

Nilinaw naman ng ta­gapagsalita ng PMA na si Dr. Mike Aragon,  hindi nila pinepersonal ang dalawang aktres bagkus ay hindi sila sang-ayon sa depensa ng Yes magazine na freedom of expression lamang ang isyu.

Anang PMA, buhay at kamatayan ang nakasalalay dito dahil nakamamatay ang paninigarilyo.

ANANG

ANILA

ANNE CURTIS

AUNOR

BINATIKOS

CURTIS

DR. MIKE ARAGON

PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION

SUPERSTAR NORA AUNOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with