^

Bansa

13-anyos nanaksak ng schoolmate

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hawak ngayon ng Manila Social Welfare and Development ang isang 13-anyos na high school student makaraang saksakin nito ng isang matulis na metal ang kaniyang schoolmate sa Arella­no High School, Sta. Cruz, Maynila, Huwebes ng umaga.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang itinago sa pa­ngalang “Jon-jon”, 15, 3rd year high school at residente ng Narra Extension St., Tondo, Maynila habang nasa kustodiya na ng Manila-DSW ang suspect na itinago sa pa­ngalang “Jimboy”, 13.

Dakong alas-2:30 ng hapon kamakalawa nang saksakin umano ng suspect ang biktima sa loob mismo ng compound ng Arellano HS, sa T. Mapua Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na dati nang kaaway ng biktima ang grupo ng suspect at nang magkita nitong Huwebes ay inundayan umano ng ilang ulit na saksak ng suspect subalit nasalag. Nang papatakbo ang biktima ay sinaksak pa ito sa likod ng ilang beses, bagamat di napuruhan.

Inilipat na lamang ng MPD-Station 3 ang kaso sa MDSW.

vuukle comment

ARELLA

ARELLANO

CRUZ

HIGH SCHOOL

HUWEBES

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MAPUA STA

MAYNILA

NARRA EXTENSION ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with