MANILA, Philippines - ?Muling nanawagan si dating Mindanao Development Authority (MinDA) chief Jesus Dureza sa pamahalaan na tingnang mabuti at huwag sayangin ang potensiyal na benepisyong pang-ekonomiya para sa Mindanao ng panukalang Tampakan Copper-Gold Project.
Sinabi ni Dureza, ang pagmimina ay gaganap sa estratehiko at mahalagang papel sa kaunlaran ng buong Mindanao.? “Napakapalad ng Mindanao sa pagkakaroon ng pinakamataas na konsentasyon ng mga mineral na pakikinabangan ng lahat.”
Sa independiyenteng pag-aaral na isinagawa ng nakabase sa Australia na research agency na Centre for International Economics, isinaad na ang Tampakan project ay mag-aambag ng 10 porsiyentong karagdagan sa regional gross domestic product (RGDP) ng mga Rehiyong 11 at 12 sa kabuuang pagmimina na tinatayang aabot ng 17 taon.