^

Bansa

Patubig palalawakin ni PNoy

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Palalawakin pa ng li­derato ni Pangulong Benigno Aquino III ang programa sa pagpapatubig para sa maliliit na magsasaka sa mga lugar na hindi naaabot ng national irrigation systems.

Alinsunod sa adhikain ng Pangulo na mapaunlad ang industriyang pang-agrikultura, patuloy na tutulong sa mga magsasaka na magtayo pa ng mga naturang alternative irrigation systems.

Ayon kay Bureau of Soil and Water Management Executive Director Silvino Tejada, napakahalagang matulungan ang mga magsasaka lalo na sa mga komunidad na walang patubig dahil kung hindi’y wala silang aanihin at maapektuhan ang national food output at pambansang seguridad.

“Hindi sila makapagtatanim nang husto kung walang sapat na patubig kaya iyan ang isa sa prayoridad ng Kagawaran ng Agrikultura sa ilalim ni Kalihim Proceso Alcala,” sabi ni Tejada.

Napatunayan na ang Small Water Impounding Projects na naitayo noon ng Department of Agriculture at ng BSWM ay epek­tibo sa may matinding wet and dry seasons tulad ng northern Philippines. Sa tag-ulan, ang excess water ay nakokolekta ng SWIPs at nagagamit sa dry season,” ani Tejada.

Umabot sa P3 bilyon ang halaga ng naipata­yong 2,060 SWIPs sa buong kapuluan mula 1974 hanggang 2010 na sumaklaw sa 84,168 ektaryang lupain para sa 64,266 farmers.

AGRIKULTURA

ALINSUNOD

AYON

BUREAU OF SOIL AND WATER MANAGEMENT EXECUTIVE DIRECTOR SILVINO TEJADA

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

KAGAWARAN

KALIHIM PROCESO ALCALA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SMALL WATER IMPOUNDING PROJECTS

TEJADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with