^

Bansa

Bagong LWUA chief idinepensa ng Palasyo

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ng Malacañang na itinalaga sa kaniyang posisyon si bagong Local Water Utilities Administration head Rene Villa dahil sa koneksiyon nito sa tinaguriang  “Hyatt 10” na sumuporta sa kandidatura ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi makatarungan ang mga lumalabas na ulat na ginamit ni Villa ang koneksiyon para makuha ang posisyon sa LWUA.

Sinabi ni Valte na itinalaga si Villa ng Pangulo dahil sa kaniyang integridad at kakayahan.

Matatandaan na inihayag ng Palasyo noong Biyernes na si Villa ang ipinalit sa posisyon ni da­ting LWUA head Prospero Pichay Jr. na pinatalsik sa kaniyang posisyon matapos maakusahan na nilustay ang pera ng ahensiya.

Nauna ng nagbanta si Pichay na kukuwestiyunin sa korte ang pagkakatanggal sa kaniya sa puwesto.

Samantala, pinabulaanan din ni Valte na puro mga kaalyado ni Pangulong Aquino sa Liberal Party ang ilalagay sa mga bakante pang posisyon sa gobyerno.

Masusi umanong pinag-aralan ng Malacañang ang kakayahan ni Villa at inilagay ito bilang head ng LWUA dahil sa kaniyang kapabilidad.

ABIGAIL VALTE

DEPUTY PRESIDENTIAL

LIBERAL PARTY

LOCAL WATER UTILITIES ADMINISTRATION

MALACA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PROSPERO PICHAY JR.

RENE VILLA

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with