27,793 guro sa kinder hindi pa sumusuweldo

MANILA, Philippines - May 27,793 guro sa ibat-ibang  pambublikong paaralan sa kinder sa buong bansa ang sinasabing hindi pa sumusuweldo mula ng magsimula ang klase noong Hunyo.

Ayon kay Emmalyn Policarpio, tagapagsalita ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC), ang 19,163 sa mga ito ay pawang mga subsidized kinder teachers habang ang 8,630 ay mga volunteer teacher.

Nananawagan ang TDC sa Department of Education (DepEd) na ibigay na ang suweldo ng mga nabanggit na guro. Aniya, mas mahirap ang ginagampanan na tungkulin ng mga guro sa kinder kumpara sa ibang mga guro dahil mas malawak na pasensiya ang dapat na ibigay sa kanilang mga estudyante sa unang taon na pagtuntong nila sa paaralan.

Sinabi pa ni Policarpio, kakarampot na nga lang ang suweldo ng mga nabanggit na guro ay hindi pa ibinibigay sa kanila. Nabatid ng TDC na ang mga subsidized kinder teacher at volunteer kinder teacher ay honorarium lamang na P3,000 kada buwan ang suweldo.

Show comments