P300 dagdag hazard pay sa mga bgy. tanod
MANILA, Philippines - Karagdagang P300 buwanang hazard pay ang ibibigay sa mga barangay tanod sa buong bansa bilang pagkilala sa pagsusumikap ng mga ito na labanan ang mga kriminal na aktibidad at pagtulong sa mga awtoridad upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa kanilang mga barangay.
Sa House bill 4886 na ini-akda ni Manila 4th district Rep. Ma. Theresa Bonoan-David, nilalayon nito na pagaanin ang kalagayan ng mga barangay tanod na tumatanggap lamang ng mas mababa pa sa P100 bilang honorarium kada buwan.
Giit ng kongresista, ang mga tanod ang laging nasa peligro ang buhay dahil sa ginagawa nilang pagro-ronda gabi-gabi kaya’t nanganganib ang kanilang buhay sa kamay ng mga kriminal at iba pang mga pasaway sa lipunan.
Base sa record, mayroong ilang barangay ang nagbibigay lamang ng honorarium na P100 kada buwan sa kanilang mga barangay tanod tulad umano sa Bgys. Paril at Mabini sa Cebu na kapwa bulubunduking lugar na nagbibigay lamang ng P150 kada buwan na honorarium.
- Latest
- Trending