5 Pinay kulong sa Saudi dahil sa panty
MANILA, Philippines - Limang Pinay ang nakapiit ngayon sa Saudi jail matapos na idiin sila sa pagnanakaw ng panty.
Ayon sa Migrante Middle East, magpapadala na ng team ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh upang tulungan ang limang Pinay na inakusahan ng kani-kanilang among babae ng pagnanakaw ng underwear.
Ayon kay Migrante-ME regional coordinator John Leonard Monterona, natuklasan ang magkakasintulad na kaso ng apat na Pinay nang arestuhin at ikulong ang isa pang Pinay na nakilalang si Melanie Cordon sa Hail Central Jain dahil sa umano’y pagnanakaw ng panty na pag-aari ng ina ng kanyang employer ng nakalipas na linggo.
Sinabi umano ni Cordon na bukod sa kanya ay may apat pang Pinay OFWs na kasama niya ngayon na nakapiit sa Hail central jail na tulad ng kanyang sinapit.
Si Cordon ay iniipit at pinipigil ng mga amo na huwag bumalik sa Pilipinas nang hilingin nito na makauwi nang matapos niya ang kanyang 2-taong kontrata.
Sa batas ng Saudi ay may katapat na anim na buwan hanggang isang taong pagkabilanggo ang pagnanakaw ng underwear at karagdagang 100 lashes o hagupit.
- Latest
- Trending