2 sama ng panahon namataan
MANILA, Philippines - Dalawang sama ng panahon ang patuloy na sinusubaybayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaaring pumasok sa Philippine territory oras na maging bagyo.
Ayon kay Nelson Dianela, forecaster ng PAGASA, ang isang low pressure area (LPA) ay nagpapakita ng indikasyon na maging bagyo na tatawaging Pedring at maaaring makaapekto sa northern Luzon.
Ang ikalawang LPA ay nabubuo sa may silangan ng Mindanao pero hindi pa ito nagbabadya na maging ganap na bagyo.
Niliwanag din ni Dianela na ang nararanasang pag-uulan sa northern Luzon gayundin sa madaling araw sa Metro Manila ay dulot ng habagat.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaliwalas ang panahon na may paminsan minsang pag-ulan.
- Latest
- Trending