MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni PNP chief Nicanor Bartolome na hindi exempted ang mga pulis sa pagsusuot ng helmet habang nagmomotorsiklo at tumutupad sa kanilang tungkulin.
“We’ve noticed that while our personnel are doing their best to ensure the safety of the riding public, some of our policemen are violating the same laws they’re implementing,”pahayag ni Bartolome.
Kasabay nito, inatasan ni Bartolome si PNP- Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Chief Supt. Leonardo Espina na mahigpit na ipatupad ang ‘no helmet, no travel policy’.
Ang direktiba ay ipinalabas ni Bartolome matapos matanggap ang mga reklamo na maraming mga pulis na lulan ng motorsiklo ang walang suot na helmet gayong naturingan pa ang mga itong tagapagpatupad ng batas.
Nilinaw naman ni Bartolome na nagpapatrulya man o hindi ay saklaw ng kaniyang direktiba.