^

Bansa

Operasyon ng Saulog bus sinuspinde ng 30 days

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)  ng 30 araw ang ope­rasyon ng Saulog Bus Transit  matapos masangkot ang isa sa mga bus nito sa aksidente noong Sabado  na ikinasawi ng 3 pasahero at ikinasugat ng 21 iba pa.

Kaugnay nito, inutos din ni LTFRB Chairman Jaime­ Jacob sa mga tauhan gayundin sa mga elemento ng LTO at PNP-HPG na hulihin ang lahat ng bus ng SBT bilang parusa sa bus company kaugnay ng naganap na aksidente.

Ipinag-utos din ni Chairman Jacob na idaan sa pagkilatis ang 154 units ng SBT  sa roadworthiness inspection ng LTO Motor Vehicle Inspection Center sa Central office East Avenue QC.

Kailangan din anyang dumaan sa drug testing, medical check up, actual written at driving ang lahat ng drivers nito sa University of the Philippines National Center for Transportation Studies upang matiyak kung maaaring magmaneho ang mga ito ng isang pampasaherong sasakyan.

CHAIRMAN JACOB

CHAIRMAN JAIME

EAST AVENUE

IPINAG

KAILANGAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTER

SAULOG BUS TRANSIT

TRANSPORTATION STUDIES

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES NATIONAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with