Bawal na ang plastik!
MANILA, Philippines - Ipagbabawal na ang paggamit ng mga plastic bag at iba pang re-usable shopping bags sa lahat ng commercial establishments sa buong bansa.
Ito’y matapos ipasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlong pagbasa ang House Bill 4348 na naglalayong tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng mga plastic bags.
Sa panukala ni Trade Union Congress Party (TUPC) party list Rep. Raymond Democrito Mendoza, tinatayang 50% ng lumulutang na basura ay plastic na bumabara sa mga drain pipes at nakakalason sa mga ibon, pawikan at isa sa pag-aakalang pagkain ito.
Giit ni Mendoza, na isa sa mga pangunahing may akda ng panukala, maituturing din itong isang krimen kung kayat dapat na umaksyon ang gobyerno dito.
Sa ilalim na HB 4840 ang lahat ng commercial establishments ay kailangan maglaan ng biodegradable plastic bags habang ang mga customers ay kailangang isuko ang gamit nang bag kung hindi ay pagbabayarin sila ng P1.00 kada bag.
Inihalimbawa ng kongresista ang Los Baños, Laguna kung saan ipinatutupad ang total ban sa paggamit ng plastic bags at styrofoam at isinusulong ang “Bring Own Bag” program tulad ng paggamit ng bayong, katsa, paper bags at iba pang reusable materials.
Ang mga biodegradable plastic bags ay yaong nalulusaw o nade-decompose ng may 60% sa loob ng dalawang taon nang walang iniiwang nakakasamang latak o residues habang ang non-biodegradable plastic bags ay hindi nabubulok kahit dumaan ang ilang dekada.
- Latest
- Trending