^

Bansa

Responsableng pagmimina siniguro sa konsultasyon

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Nawala ang pangam­ba ng 9,000 direktang ma­ aapektuhan ng Tampa­kan copper-gold project maka­raang magsidalo sa mga pampublikong konsultas­yon nitong nakaraang da­lawang linggo at ma­ipaliwanag ang pa­nanagutan ng kompanya na magtanim ng mga puno sa miminahing lugar at magtatag ng water treatment facilities na pamamahalaan nang maayos.

Nilinaw ng Sagittarius Mines, Inc. (SMI), ang kinontrata ng gobyerno sa Tampakan copper-gold project, na magpapatupad ito ng responsableng pagmimina at susundin ang lahat ng panukalang pangkapaligiran na isinusulong ng AECOM Phils., ang ikatlong partido ng mga eksperto na nagsagawa ng environmental impact assessment (EIA) para sa Tampakan project.

“The environmental as­sessment was very scientific and the mitiga­ting measures were very detailed,” ayon kay Datu Eduardo Sulan, pinuno ng South Cotabato Provincial Tribal Council.

“We were very concerned about the potential of landslides in the open-pit area but the mine designs they presented, such as the use of slopes and benches, will help mi­tigate such problems.”

Ang muling pagta­tanim ng mga puno, pagkaistorbo ng mga hayop at halaman at kontaminasyon ng pinagkukunan ng tubig ang maiinit na isyung itinanong ng mga nagsidalo sa pampublikong konsultasyon.

DATU EDUARDO SULAN

NAWALA

NILINAW

PROJECT

SAGITTARIUS MINES

SHY

SOUTH COTABATO PROVINCIAL TRIBAL COUNCIL

TAMPAKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with