MANILA, Philippines - Walang nakikitang masama sina House Minority leader Rep. Edcel Lagman at Deputy Minority leader Danilo Suarez sa maagang paghahayag ni Vice President Jejomar Binay na tatakbo itong Presidente sa 2016 dahil may “agimat” naman umano ang Kamara.
“Lakas-Kampi will also field its own candidate in 2016 lalong-lalo na at mayroon na kaming Agimat,” ani Suarez na nag tinutukoy ay si Sen. Bong Revilla na ngayon ay nasa ikalawa at huling termino na.
Paliwanag ng mga mambabatas, wala namang nilabag na anumang batas si Binay sa kanyang pronouncement
Ayon pa kay Suarez, hindi rin umano maituturing na ‘early campaigning’ ang ginawa ni Binay.
“That is not early campaigning. When you manifest your intention that you’re available for elective position this early, you do not violate any rule or you do not transgress the Omnibus Election Code. There is nothing wrong about expressing your intentions in love or in war or politics,” ani Lagman.
Kumbinsido naman ang House Minority Bloc na malakas ang posibilidad ng face-off nina Binay at DOTC secretary Mar Roxas sa 2016 presidential polls.
Ilan pa sa mga posibleng tumakbo sa pagkapangulo sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bongbong Marcos. (Butch Quejada/Gemma Garcia)