^

Bansa

Estudyanteng inaabuso ng mga guro dumarami

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tumaas ang bilang mga batang estudyante na nakakaranas ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso mula mismo sa kanilang mga guro.

Ayon kay Atty. Domingo Alidon ng Department Education legal department, kabilang sa nararanasang pag-aabuso ng mga mag-aaral na nakararating na reklamo sa kanyang tanggapan mula sa mga magulang ay exploitation, diskriminasyon, pambu-bully, pananakit at pagliligaw.

Sinabi ni Alidon, mas marami ang reklamo na ka­nilang natatanggap sa Metro Manila at Region 4-A mula sa pribado at pampublikong high school sa bansa.

Sinumang magpaparusa sa isang mag-aaral o mang-aabuso dito ay mahaharap sa kaukulang parusa, alinsunod sa batas, tulad nang dismissal sa serbisyo.

Maaari rin aniyang maharap sa paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law ang sinumang mang-aabuso sa isang paslit kung magkakaroon ng psychological at physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse at emotional maltreatment.

ALIDON

ANTI-CHILD ABUSE LAW

AYON

DEPARTMENT EDUCATION

DOMINGO ALIDON

MAAARI

METRO MANILA

REPUBLIC ACT

SINABI

SINUMANG

TUMAAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with