Valenzuela no. 1 sa high urbanized city

MANILA, Philippines - Tinalo ng lungsod ng Valenzuela ang iba pang highly urbanized cities pagdating sa usapin ng pamamahala, ayon sa 2010 Local Governance Performance Management System (LGPMS) report.

Ang LGPMS ay web-based assessment tool na pina­nga­ngasiwaan ng Department of the Interior? and Local Government (DILG) na sumusukat at nag-a- assess sa performance ng local government units (LGUs) para madetermina ang kanilang kapabilidad at limitasyon sa paghahatid ng pangunahing serbisyo publiko sa mga pangunahing aspeto ng pamamahala kagaya ng administration, social services, economic development at environmental management.

 Sa pinakahuling LGPMS performance report, umiskor ang Valenzuela City ng mataas na markang 4.9150 para manguna sa top performing highly urbanized at independent component cities sa bansa.

 Nagsisilbi rin itong analysis tool sa LGU’s transparency, participative at financial accountability. Nagsisilbi ito sa tatlong pangunahing layunin bilang suporta sa pagsulong ng local government sa pamamagitan ng pinag-ibayong paggamit ng financial at human resources.

Sinabi ni DILG Secretary Jesse Robredo na isang panel na binubuo ng mga kinatawan mula sa national at local government units ang nagsagawa ng assessment para sukatin ang pagtatrabaho ng LGU kung saan ay iniskoran ng 1 bilang pinakamababa at 5 bilang pinakamataas at lumabas na na­nguna ang lungsod ng Valenzuela.

Labis naman ang kasiyahan ni  City Ma­yor Sherwin T. Gatcha­lian at nagpahayag na isang malaking karangalan ang  tinanggap na karangalan at pagkilala at lalo pa umanong naging ins­pirado na ipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyo sa mga kababayan.

Pasok din sa talaan ng highly urbanized cities ang San Juan, Puerto Princesa, Angeles, Davao, Naga, Zamboanga, Iligan, Cebu at Taguig.

Show comments